Wednesday, October 8, 2008

salamat sayo



Noon buhay ko’y matamlay

Mga bagay lahat ay sumablay

Tila sinalo ang mga kalungkutan

Kasiyahan kaya’y muli pang makamtan?



Sa gitna ng kasalimuotan

May isang IKAW na napadaan

Puso ko’y muling tumibok

Handang hinarap mga bagong pagsubok.


Nararanasan tunay na kaligayahan

Sa piling mo aking mahal

Kalian kaya kita muling mahahagkan

Sa pangungulila sayo ako’y nasasakdal


Lumilipas ang mga gabi

Hinahanap ka sa aking tabi

Hinihiling na sa aking paggising

Mamulat ako na ikaw ang kapiling


Kalian kaya masisilayan

Mga mata mong nagtitingkaran

At ang iyong mga ngiti

Na sa problema ko’y pumapawi


Ako’y naririto, naghihintay sayo

Pagmamahal ay iaalay ng buong buo

Sa muli mong pagbabalik

Ako sayo’y nasasabik!

No comments: