Saturday, October 11, 2008

Buhay Narzing



Alas singko ng umaga
Kami ay gising na
Sa banyo'y nakatambay na
Kahit mga mata'y nakapikit pa


Di na pinapansin ang agahan
Nagmamadali pa sa daan
Pagdating sa hospital
Todo pa ang hingal


Pagkatapos ng walong oras na trabaho
Sa paaralan ang takbo
Nakikinig sa mga tinuturo
Habang hinihimay ang mga libro


Hindi samin uso ang pagtulog
Kaya laging parang mga sabog
Ang oras ng pagkain
Aming nakakaligtaan na rin


Ngunit sa kabila ng mga ito
Kami ay natuto
Na ang kaligayaha'y hindi makakamit
Kung paghihirap ay di sumapit.

1 comment:

Anonymous said...

Goodbye to this person with a beautiful mind...A lot of people will surely miss you..It's still too early to go. It's hard to let go but they have to. I didnt have the chance to know you more but i know that you are a good person that's why I was truly saddened. May you rest in peace ms Tala April Fusana..Goodbye :( See you in the next life..